 |
aaron_mcdoSeptember 5th 1985 (Age 26) Male Quezon City
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
|
 |
 |
Monday, November 05, 2007
the most awaited time of the year.., its coming
Can you smell it? Can you feel it already?
<it's too fucking early to have a year ender blog entry>
Another year have passed and it is the time of the year again where all people are smiling with no fucking particular reason. it's just the season. Christmas.
Malapit na ang pasko. maraming ilaw?. this time mas maraming ilaw. maingay? this time of the year mas maingay.
I've said it before this year has started that this year would be my year, well let them speak. Is this year my fucking year? I still don't fucking know. One thing. t'was a crazy and "most of the time" happy year. don' t even bother asking why, saka ko na lang yan sasagutin. I can say that IT WAS A YEAR! year that i will never ever fucking forget, trust me you cannot top that.
Balik tayo sa magandang intro.. dugtungan naten
Since malapit na ang pasko. anjan na naman yung mga masasayang mukha sa paligid akala mo lahat may pera. that's the fucking good thing pag malapit na ang Christmas. Lahat pwedeng ngumiti.
Marami na namang sale. tiangge. pagkain. YEHEY!!
Bukod sa birthday ko. isa ito sa mga pinakahihintay kong araw sa loob ng isang taon ang pag sapit ng DECEMBER 1.
August pa lang ung iba ngpapatugtog na ng xmas songs! wow! talk about being happy and merry. Kami Pagpatak ng November 3 after ng mourning sa mga namatay nag uumpisa na kaming bigyan ng buhay ang aming bahay. Olryt!
Do i already sound merry to you???? nah! feeling mo lang yun kung binabasa mo 'to ngaun. after mo 'to mabasa i-text mo ako. just follow my simple instructions:
1. punta ka sa message area ng cp mo 2. key in <aaron,> then your message <bibigyan kita ng regalo> [you must type the bracketed words exactly] 3. send it to 09283147763 4. wait for my reply 5. buy the gift 6. wrap it and name it <to: Aaron> 7. give it to me after 3 days 8-10. Im gonna thank you whole heartedly
ayus ba? simple lang diba? xmas is a time for giving. and accepting as well. DON'T FORGET THAT!
But, still, it is better [bitter] to give than to recieve.
- - itutuloy - -
BACK TO FUCKING WORK! - [the boss just yelled at me and broke my left eardrum]
Posted at 07:27 am by aaron_mcdo
Permalink
Monday, August 20, 2007
It's been a while... that's the fucking title.. ooppss sorry for the word "fucking" this is suppose to be a calm blog entry.
I was drinking and smoking a lot these past few days minsan may nagtanong ngpapakamatay ka ba? ang sagot ko is "I just gave up my healthy living lifestyle". open ended. kasi andaming susunod na tanong.. why? for what? para saan? anu ang dahilan?. unfortunately, hindi ko agad un masasagot in plain text. by facial expression pwede pa. here's one of my answer. Galit ako. galit ako sa sarili ko. the person who tend to be so calm and optimistic turned to be a monster full of grief, anger, melancholy and sadness. But though i turned out to be that other person I don't have any regrets, out of all the bad things that is happening to my life I know i hafta pickup myself again and go on, galit man ako sa mundo kelangan ko pa dn magpatuloy, alam ko there's no one out there to pick me up I'ts just me and myself now my luck has ran out on me. Aaminin ko im wounded mentally and emotionally that's what hurts most rather than physical pain [dislocated wrist, shattered knuckles and few broken bones]. I tried to kill myself not so many times, just to escape everything. maybe if im already dead bad things will stop coming to me, i might go to heaven and forever be guiding the my loved ones and the person i loved almost close to more than anything else. each time i kill myself the unlucky part of me keeps on popping out like its a bad habit and look at me know still alive just fine and dandy. cguro ndi ko pa nga panahon o sadyang malas lang ako sa mga bagay bagay. wala namang iiyak para saken eh bakit ndi pa matapos tapos ang galit kong mundo?
The need to take my life back.
I wish merong jeep na ang sign board is "BACK TO YOUR SIMPLE LIFE". last week i was at the office and i just worked only for 3 hours yung focus ko sa work wala na yung work ethic ko eh medyo na-derailed. ok lang i can still make up for that.. I watched FORREST GUMP that night. I envy forrest not because he became rich at the end it's because how he kept his simple thoughts on life that simple,how he managed to keep his life just like that, kung gaano sya kakuntento sa buhay yun ang kinaiingittan ko sa kanya. Akala ko nung una kaya ko un. ung makontento. un ang gusto kong lifestyle nung una eh ang makontento sa kung anung meron. pero hindi pala ganun ka-pwede. you can be contented "for a fucking while" but not "your whole damn life". This time I need to be okay. not be contented not in a bad way na I always ask for the "much better" part of the deal. contented in the sense that I can be happy with. D'yah know what im talking about? I HAFTA LOVE MYSELF MUCH BETTER. did it made sense? you think so?
Being the loser
I am a loser. Those are four fucking words for me. well it sounds 99% discouraging and 1% encouraging. for a person like me all i need is that puny 1% and hope to make it happen and be a winner. SANA!!!
Never stop loving and keep my no regrets way of living
Though I don't recieve that much. Just keep on pouring though there's a tendency I might dry up and be emptied, just wait for the silverlining under those dark clouds I still know there's a lot of things in store for me and i know this much love that i have will have its turn. heads up. no regrets.
I love you
For once have I ever been so sure in my whole life? the answer: YES! when i met you. i know i know. Im the unluckiest person in the world but still it's my luck that i met you. I love you and you never knew how much, I love you and you cared, I loved you and somehow you loved me too, I love you and who knows how long i'd love you one things for sure, I love you close to more than anything else. things might not be going our way for the moment but those gaps on your hands perpectly fitted mine. I love you always. no regrets.
--- Life is a box of chocolates, you'll never know what you gonna get... - Forrest Gump
Posted at 06:40 pm by aaron_mcdo
Permalink
Monday, January 08, 2007
After the holidays... New Year... etcetera
matagal tagal din ang bakasyon ko dito sa blog... inipon ko lang ang aking mga saloobin at nararamdaman para sa takdang panahon at sa palagay ko ito na ang tamang panahon... para isulat ang nakatakda... isulat ang mga naipong alaala ng nakaraan... nakaraang taong lumipas... in other words RECAP.
last year nakarecover ako at nagkaroon ng trabaho at hanggang ngayon ay sumusweldo. last year nagkaroon ako ng mga dagdag na kaalaman na inaakala kong tama, nagkaroon ako ng mga dagdag na kaibigan na sya namang tama. last year marami akong mga nagawang mali sa buhay, sa trabaho, at sa pagiging tao. marami akong inakalang tama na iyon pala ay mali, marami akong inakalang maii na iyon pala ay tama. sabi nga nila ganun talaga ang buhay, sabi nila yun noon at ngayon sinasabi ko na rin. last year marami akong gustong gawin at mangyari sa buhay ko, pero ang ilan dito ay inilista ko na lang sa listahan ng mga frustrations ko. nakakalungkot mang isipin pero ganun talaga. EST KOMMT DER TAG! last year marami akong hinangaan, kinasukalaman, nakabutihang loob, nakakwetuhan tungkol sa mga buhay buhay, nakasagutan, nakaaway, nakasamaang loob at marami pang iba. last year marami akong namiss at mamimiss pa sa darating na taon. last year nakabili ako ng DVD hehehe na hanggang ngayon ay ayus pa. last year marami akong nakilalang babae na kung pogi lang sana ako ay napasagot ko na, pero sa kasamaang palad hindi ako pogi. last year marami akong bagong experience, maraming first time sa buhay ko.
last year nakatugtog ulet ako. kahit na alam naman nating mediocre o pasang awa talaga ako. last year narealize ko kelangan ko ng mag step up para sa family ko. last year lahat ng frustrations ko came true. last year marami akong false hopes na natanggap at sana walang magsasabi ng many more to come. last year nananalo ako sa raffle ng isang boteng alak. last year ko lang rin na notice na there is more to life but not to my life may exception kumabaga. last year bago mag new year sabi ko sa sarili ko magpapapayat na ako. last year ang isa sa mga pinakamalungkot at masayang xmas at new year ko. at least meron part pa rin na masaya yun lang naman ang importante dun eh. SANA NGAUNG YEAR NA ITO MAGING MASAYA NA AKO YUNG MASAYANG MASAYA!
---This year nanam tapos na yung last year eh.
This year mas magiging mabait ako, kahit na lagi kong sinasabi na yoko ng maging mabait. this year lalo ko pang mamahalin ang family ko. this year bibigyan ko ng importansya ang sarili ko. this year i'll be sweeter. this year magmamahal ulet ako. this year magpapapayat ako gagayahin ko si RICKY RIVERO. this year babawasan ko na ang mga kalokohan ko. this year onti na lang ang kakainin ko. this year ndi na ako mxadong gagawa ng kasalanan. this year hindi na laging mainit ang ulo ko. thjis year SANA TUMAAS NA ANG SWELDO KO! this year pipilitin kong gawin yung mga bagay na hindi ko nagawa. this year marami akong gagawin. this year will be MY YEAR.
Advance Merry Xmas and Happy new year! lapit na ng 2008!
Posted at 11:23 am by aaron_mcdo
Permalink
Tuesday, November 14, 2006
Mula sa matagal na pagkawala
Medyo matagal din akong absent sa blog ko medyo marami lang pinagkaabalahan, sinubukang pagkaabalahan, tinesting, ginawa, marami lang na nasirang plano, pagkakataon at panahon, marami lang dahilan, buwiset, hadlang at mga hinayupak, marami lang na gago, halimaw at walang magawa.... sobrang dami ng dahilan yung iba hindi ko na matandaan. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------- isa sa mga dahilan ay ang bago kong DIBIDI hehehe sa wakas meron din akong nabiling materyal na bagay mula sa aking suweldo, bukod sa bagong DIBIDI ay mga pirated na DIBIDI MUBIS hehehe pero ang galing ng pagka-DIBIDI KAPI tsk tsk parang original, tatatlo pa lang ang mga DIBIDI ko pero meron na akong 17 na pelikulang napanood mula sa aking bagong DIBIDI hehehe ikaw na ang bumili ng 8 in 1 na DIBIDI ewan ko lang makailan ka! OLRYT!!!!!!------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Pero isang nakakalungkot na pangyayari ang naganap, meron nagpalit ng password ng aking prenster account at yahoo account na ginamit sa naturang prenster account, lahat ng prens ko andun halos lalo na nung college, bigla nga nagflashback ung mga college days and nights ko... isang malaking HAYOP KA! dun sa kumuha, nagpalit o kahit ano pang gnawa mo sa account ko!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Habang nagpflashback yung mga college days and nights ko eh nagwawala ako... sa awa ni papa JESUS eh wala naman akong nasaktan... (wala kasi ung salarin eh) sa mga araw na lumipas eh marami akong kinabadtripan at ikinatuwa din na madalas mangyari... PAS POWARD tayo>>>>
ngaun lang eh nabadtrip na ako... unang una eh wala akong 2log dahil brownout sa amin simula 7:30 am hanggan 3:45pm eh ako umaga ang tulog ko ges wat! mainit! maingay! malamok! mamasamasa!
tapos pagdating ko sa opisina, 8:05pm medyo matamlay at antok pa, bigla akong na-aburido dahil ipinaformat ni MON CONFIADO yung PC ko dahil parang trip nya lang! leche! napagusapan na namen ni alamat na JIM na ndi na dapt iformat kasi mabilis naman at wala akong problema sa PC ko pero ang inabutan ko ay ang computer na hindi ko na kilala dahil PINAFORMAT na nga ni MON CONFIADO! TANGENA! hindi nakakaintindi ng plain tagalog! bukod sa back to zero ako eh ambagal pa ng PC sa hindi malamang kadahilanan! nawalan ako ng gana buong gabi, hanggang ngaun 10mins to 5:00am na... tsk tsk may araw ka rin MON CONFIADO! BIDA-BIDA KA TALAGA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Posted at 12:17 pm by aaron_mcdo
Permalink
Thursday, October 19, 2006
Oktubre Disinwebe - para ng Disyembre
Maaga akong umuwi kanina... anlamig na ng simoy ng hangin... madalas Nobyembre pa ang ganung pakiramdam sa umaga pero kanina parang nobyembre na... ambilis talaga ng panahon, hindi ko namalayan mag iisang taon na pala nung ako ay naospital... noong mga panahon na iyon akala ko doon na matatapos ang aking kabanata pero heto ako ngaun makakatapos na naman ng isang taon, isang kabanata na naman ang natapos at isang kabanata naman ang naghihintay upang mabuksan at simulan, nagpapasalamat ako sa mga nangyari at mangyayari pa, sa mga masama at mabuting pagkakataon nan dumaan sa akin at sa aking pamilya, hindi man kami ganun karangya eh sama sama pa rin kami... ganun talaga siguro ang buhay weder weder lang ika nga ng dating PCSO tsyerman ni ERAP ESTRADA...  Rare family pic namen ito...Ü -------------------- Kanina pagasakay ko ng bus malamig na diba? yung bus ordinary lang walang aircon hehe para makatipid... habang binabaybay ng bus ang EDSA eh napansin ko na parang masisira yung bus sa sobrang bilis ng andar eh ordinary pa bukas ang bintana habang umaandar eh gulong gulo ung buhok sa lakas ng malamig na hangin, parang karera ng mga bus ang nangyayari ambilis, tpos lumilingon lingon ako... may nabasa ako "Fasten your seatbelts" hinanap o yung seatbelt... Syet walang seatbelt! langya naglagay pa sila nun kung wala naman! eh mukhang kahit yung drayber eh walang seatbelt! pag tumambling yung bus eh para kaming mga dyolen na aalog alog sa loob ng bus! mabuti na lang at nakauwi ako ng matiwasay at eto nagsusulat [nagtatayp pala] pa.... ------------------- Kararating ko lang sa mula sa aking mahabang byahe patungong opisina... malamig na talaga ang hangin ang sarap maglakadlakad sa gabi lalo na't kasama mo ang iyong irog [syet] sa aking paglalakad ay marami akong nakasabay muli mga taong di ko kilala... nakakatuwang isipin na ibang klase talaga ang buhay ano... eksample may nakasalubong ako sa megamall isang longkatuts kaholding hands isang 6'2" na kanong white leg horn... totoo ito walang stir... tsampyon nga eh ang sweet sweet pa! sa loob naman ng megamall habang ako'y naglalakad, isang matabang chick may face value naman kaakbay ang isang yatot na mukhang adik, tingnan mo nga naman ang pagkakataon... hehehe nakaktuwa diba? sana sa pasko meron na din akong kasama sa paglalakad sa mga gabing malamig... sa ingles " wishful thinking" ------------------ Olryt isa na namang masaya kapanapanabik at eksayting na gabi sa trabaho... hanggang sa muli.... paalam... [Parang si kuya Bodjie ng batibot ano?]
Posted at 01:46 am by aaron_mcdo
Permalink
Wednesday, October 18, 2006
Miyerkules pa rin kaso gabi na andito na ako sa opisina isang oras na byahe mula sa aming tirahan... sa haba ng byahe hindi ko pa rin maisip kung bakit tagalog ang aking blog... sa loob ng isang oras marami akong nakitang nakakatuwang walang kwentang bagay gaya ng istiker ng "Well Hair Color" sa jeep na sinakyan ko... ano ang relasyon ng jeep sa Wella? bading kaya yung drayber? bakit wala namang kulay ang buhok ng drayber? bakit yung konduktor ng drayber eh kalbo? pag baba ko sa jeep maraming tao akong kasabay... pero wala silang pakialam sa nakita kong istiker sa jeep... gabi gabi sa aking pag lalakbay patungo sa patutunguhan marami akong nakakasabay na magagandang babae... talagang tsampiyon ang itura, may maputi, maitim, kayumanggi, matangkad, payat, tsabi, seksi, slim, malaki ang "dibdib", matambok ang "wetpaks", mahaba ang buhok, kulot, tsinita, malaki ang mata at iba pa... sana may kapangyarihan akong basahin ang isip ng tao, tapos babasahin ko ang isip nila... kung ano kaya ang naiisip nila pag tumitingin sila sa akin... kanina lang pag sakay ko ng tren may nakasabay ako na tsik talagang tsampiyon... mula ulo hanggang paa... wala lang sinabi ko lang na may nakasabay ako... pero hindi ko na siya kasabay pag baba...pagbaba ko ng tren lagi akong nananalamin sa C.R ng istasyon, inaayos ko yung malaki ko buhok... hindi mahaba, malaki... minsan parang naiinis yung mga kasabay kong panot sa C,R.., sana nababasa ko ang isip nila... para makailag agad ako sa sapak na aabutin ko pag nainsulto sila sa aking pang susuklay ng malaki at makapal kong buhok ------- alas otso pa lang inaantok na si gary, siya ung katabi ko sa mesa... 8:30 na pala mag uumpisa na ang kapanapanabik na gabing ito.. dumating na rin si yeboy ------ paalam umpisa na ng araw ko bilang isang empleyado... hanggang sa muli
Posted at 05:12 am by aaron_mcdo
Permalink
Tuesday, October 17, 2006
Wednesday... [Miyerkules sa tagalog] - atrasado ang petsa
Today is wednesday... isang ordinaryong araw para sa isang ordinaryong taong katulad ko... cguro naiisip nyo bakit kaya tagalog ang blog nitong gago na ito... naisip ko na rin yan matagal na dati yung mga "blogs" ko eh sa likod lang noatebook ko nung college sinusulat tapos matatawa lang ung mga klasmeyt ko sa mga sinusulat ko na pawang base sa reyalidad... eh syempre umunlad na kaya hindi na ako nagsusulat nagtatayp na ako ngaun! pero bakit tagalog? I don't know either, though i can speak and write fluently using the english language... Syet! ang galing ko ano!? 7:37am nag PM saken si alamat na RON ang sabi "oi"... tapos tumunog ang celphone ko! 2 malakas na tunog! TINTININTIN2x si Jaq pala nagtext two tayms pa ah! daming load.... siguro kakaririn ko na itong blog ko ngaun iisipin ko na sa notebook pa rin ako nagsusulat ng mga bagay na walang kinalaman at may kinalaman sa istorya ng buhay ko... ---------
Kondolenses to Anne Aquino at sa kanyang pamilya, sumakabilang buhay na ang erpats ni Anne, wala na nga silang ermats pati erpats wala na rin... nakaklungkot lalo pa't magkikrismas na... matagal ko rin nakasama si Anne isa sya sa mga taong madalas kong makauasp tungkol sa mga buhay buhay "pep talk" after 2 years kahapon lang kami ulet nagkita... sa burol pa ng erpats nya... nakakalungkot talaga.
Sobrang iksi ng buhay hindi mo alam kung ano ang mangyayari bukas at sa mga susunod pang bukas...
Posted at 03:49 pm by aaron_mcdo
Permalink
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
|